Tuesday, October 20, 2009

Filipinong Lipi

Sa kasaysayan na ating pinagdadaanan ang, mga katutubo ay siyang unang lipi na tumira sa ating lipunan, sa pagdating mga dayuhang mananakop sila ay napa-alis sa kanilang tinitirahan at pumunta at nagtago sa mga kabundukan at kabuluan.
Sinasabing ang mga katutubo ay siyang pinaka aping uri sa ating lipunan kung saan hidi sila halos napapansin ng ating lipunan lalong lalo na ang kanilang mga pangangailangan. Na iisang tabi ang sector ng mga katutubo dahil sa layo ng kanilang pinaninirahan ang mga proyekto ng gobyerno ay hindi makaabot sa mga kapatid nating katutubo. Lalo pa’t sa lipunan ay nadidiskrimina sila bilang isang katutubo.
Sa isang article na siyang nagpapahayag ng mga damdamin ng mga katutubo sa Pilipinas iang katutubo ang siyang nagpahayag ng kanyang nararamdaman dahil na rin sa diskriminasyong kanilang nararanasan ukol sa lupaing ninuno na kanilang pinangalagaan sa mahabang panahon.
Ang mga katutubong ito ay siyang kinikilalang pinagmulan ng lahing Pilipino bago pa tayo pasukin ng mga dayuhang at nagkaroon pa ng saling lahi sa ating Perlas ng Silanganan.

Ngunit marami sa atin ang nakakalimot sa kanila. Sino nga ba ang mga katutubong Pilipino na siyang nagsimula ng liping Pilipino at siyang ring nangalaga at nagtangol sa Pilipinas sa mahabang panahon.
Sino nga ba sila? Ano ang kanilang kultura at kanilang mga katangian bilang mga katutubong grupo sa ating bansa.

Sa Indigenous People Rigths Act. ang mga komunidad ng mga katutubo ay isa sa pinaka likas na yaman ng ating bansa ngunit ang kanilang lipi ay unti unti ng nawawala.
Ayon sa national Commission for Indigenous People ang anim napu’t isang pursyento (61%) ng mga katutubo ay matatagpuan sa Mindanao, ang tatlongpu’t tatlo (33%) ay matatagpuan sa Luzon at ang natitirang anim na pursyento ay matatagpuan sa Visayas. Ang kabuuang populasyon ng mga tinatayang 14% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas. Wala pang eksaktong bilang ng mga katutubo sa mga literatura sapagkat ayon sa mga literatura mahirap tuntunin ang mga katutubo dahil palipat lipat sila ng tirahan kung saan sila makakakuha ng pagkain.

Ang mga katutubong pangkat na ito ay nahahati sa anim na grupo na may kanya kanyang katangian at kulturang kinagisnan. Ang mga grupong ito ay matatagpuan sa ipa’t ibang panig ng Pilipinas.

Ang unang grupo ay ang mga Lumads. Sila ang pinakamalaking pangkat ng mga katutubo na matatagpuan sa Mindanao. Ang grupong ito ay binubuo ng iba’t ibang Etno Linguistikang Grupo na may iba’t ibang kultura at paniniwala.

Ang mga ethno-linguistikong grupo at kanilang kultura ay nilalarawan sa mga sumusunod:
Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur, Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan hinango ang kanilang pangalan.

Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang mga silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.
Buo pa rin at hindi naiimpluwensyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.
Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.

Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at damit.
Nagpapalagay rng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking T'boli.

Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya.

May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu.
Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.

Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.
Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.
Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.

Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. ito ay pawang katotohanan.Ang mga Subanon ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala silang sa iisang ninuno lamang sila nagmula.

Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mga Español na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.
Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan ang paglaganap ng epidemya.
Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng gulpo ng Davao. Maputi sila, may matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang baba.

Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Español sa Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga Gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket.
Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa paghabi.

Nagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang “haring” palay upang mamuno sa iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo ang palay Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya. Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at habdang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag may kasayahan.

Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsyo kung pumapayag dito ang lalaki.
Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng pantalon ang lalaki at babae. Isinusuot ng lalaking Yakan ang maong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman ito ng mga babae.
Ang Manobo ay isa sa mga pinaka matandang tribo ng ating bansa na dapat ipagmalaki sapagkat mayaman ang kanilang kultura na sana'y naipasa sa bawat Pilipino. Ang nasabing tribo ay tubong Agusan, isang lalawigan sa Mindanao, ito'y ayon sa aming naka-usap na isang tubong Agusan at kung maniniwala kayo ay isang anobo. Ayon din sa kanya napakarami nilang mga Manobo at sila'y naninirahan sa iba't-ibang kabukiran sa Agusan.
Sino at ano nga ba ang nga Manobo? Saan ba talaga sila nagmula at anu-ano ang kanilang mga kaugalian na magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring umiiral sa komunidad? Yan at ilan pang mga tanong ang balak at gustong sagutin ng blog na ito. Sisimulan natin sa kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang "Manobo".Maraming mga sagot patungkol sa kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang Manobo. Ang isa ay nagsasabing: ang Manobo ay nangangahulugang 'tao' o 'mga tao';ikalawa ay ito raw ay nagmula sa salitang "Mansuba" mula sa salitang 'man' na nangangahulugang 'tao' at 'suba' na ang ibig sabihin ay 'ilog',ibig sabihin ang salitang "Mansuba" ay nangangahuligang "taong ilog" sapagkat karamihan sa kanila ay makikitang nakatira sa tabi ng mga ilog;ang ikatlo ay nagsasabi na ito raw ay nagmula sa salitang "Banobo", isang creek na kasalukuyang dumadaloy sa Ilog Pulange dalawang kilometro pababa ng Cotabato City;at ang ikaapat ay nagsasabi na ito ay galing sa salitang "man" na ang ibig sabihin naman ay "first o aboriginal" at "tuvu" na ang ibig sabihin ay "pagtubo o paglaki".

Ang mga manobo ay nagmula sa mga taong lagalag mula sa kanlurang bahagi ng Tsina. Karamihan sa kanila ay nakatira sa tabing-ilog, tabi ng mga burol at sa talampas sa maraming bahagi ng Mindanao. Sinasabing sila ay unang nanirahan sa mga lambak ng Ilog Pulangi subalit naghiwa-hiwalay sa pagdating ni Shariff Kabungsuan dahil sa pagtanggi ng ilan sa relihiyong Islam.
Ang karaniwang industriya ng mga manobo ay ang kaingin. Ang pangunahing hanapbuhay ng mga manobo ay pagtatanim ng palay at mais. Marunong din silang mangisda,pangangaso at pagkuha ng "pulot". Dahil dito, nabuhay ang nga Manobo sa isang sagana at matiwasay na pamumuhay. Subalit, ang ilang nanirahan ng permanente ay natuto at nakuntento na lang sa pagtatanim ng niyog at pagcocopra.
Nauuri sa apat ang mga manobo: ang bagani, baylan,mga manggagawa at mga alipin. Ang mga bagani ay ang mga mandirigma na lumalaban sa nga digmaan at nagtatanggol sa pamayanan; ang mga baylan ay ang mga babae o lalaking pari at manggagamot; ang mga manggagawa ay ang mga magasasaka at ang mga alipin ay ang mga nakuha o mga nabihag nilang mga kalaban. pati mga katutubo ay pwede ring maging alipin kung sila'y naparusahan sa kanilang pagkakasala.

Pinamumunuan sila ng tatlo hanggang apat na timuay o bai (babaeng datu) depende sa lawak at pagkakalapit-lapit ng mga baranggay. Subalit, ang mga Manobo ay walang sistema ng pamunuan hanggang sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
Ang mga Manobo ay maraming paniniwala. Ilan dito ay ang paniniwala ng mga buntis na sila ay dapat manatili sa loob ng bahay kung pula ang kulay ng langit matapos lumubog ang araw. Ito ay dahil sa paniniwalang ang mga busaw (aswang) na uhaw sa dugo ay nasa paligid at nag-aabang sa biktima. Hindi rin sila maaring tumakbo kapag nasugatan ang paa sapagkat malalaglag ang kanilang pinagbubuntis.

Habang nanganganak ang babae,ang kumadrona ay naglalagay ng mga anting-anting sa bewang ng nanganganak. Ito ay upang ipagtanggol ang buntis sa mga masasamang anito sa paligid. Matapos manganak, nililinis ng kumadrona ang lahat ng bagay na ginamit sa panganganak upang maitaboy ang busaw. Biang kabayaran, ang kumadrona ay dapat bayaran ng maliit na kutsilyo upang linisin ang mga kuko; isang plato upang paglagyan ng dugo ng sinakripisyong manok; malong upang makapagbihis siya; at konting salapi upang hindi siya maglagay o magbitiw ng anumang sumpa sa pamilya.
Ang kasal naman ay kadalasang isang kasunduan sa pagitan ng mga magulang. Ito ay nagsisimula sa ginsa (paki-usap) ng pamilya ng babae sa pamilya ng lalaki kung saan ito ay magalang na tinatanggihan hanggang magkaroon ng kasunduan para sa kagun (bridewealth). Lahat ng kamag-anak ng lalaki ay mag-aambagan para sa kagun hanggang sa maabot nila ang halaga ng kagun. Ang araw ng kasal ay maitatakda lamang kung matapos nang maabot ang halaga nang kagun. Habang nag-aambagan ang pamilya ng lalaki, ang pamilya ng babae naman ay abala sa paghahanda ng apa ( handaan ng kasal). Nagtatapos ang proseso sa isang marangyang kasal. Ang kasal sa kanila ay isang sistema kung saan ang ugnayan ng pamilya ng lalaki at babae ay kinakailangan. Ang pagkakaroon ng maraming asawa, bagama't kadalasan lang kung mangyari ay hindi ipinagbabawal.

Mayroon din silang kaugalian sa palilibing. Ang patay na lalaki ay kanilang inililibing na nakaharap sa silangan upang ang pagsikat ng araw ay magbigay hudyat na oras na upang magtrabaho. Ang babaeng namatay naman ay inililibing na nakaharap sa kanluran upang ang paglubog ng araw ay magbigay hudyat na oras na para sa kanya ang magsaing. Sa oras na tinatakpan na ng lupa ang libingan, lahat ng naroon ay tumatalikod upang mapigilan silang mahikayat na sumama sa namatay. Matapos ang libing, mayroong walo hanggang labindalawang araw ng kalungkutan depende sa estado ng namatay. Ang sanggol ay isang araw lang at ang datu hanggang pitong araw. May kantahan at sayawan sa loob ng mga araw na ito subalit ipinagbabawal ang instrumental na mga kanta
Kung mapapansin siyam lamang ang mga ethno-linguistika grupong ito, ngunit sa ibang artikulo at babasahin ang grupo ng mga Lumads ay binubuo ng 17 ethno linguistikong grupo tulad ng Subanon, Manobo, T’Boli, B’laan, Tiruray, Bagobo, Mandaya, Higaonon, Mansaka, Tagakaolo, Bukidnon, Dibabawon, Banwaon, Ubo, Mamanua, Talaandig at Manguangan.

Ang mga paglalarawan ng mga tribung matatagpuan sa Mindanao ay may mga limitadong pinagkukunan, marami ring mga tribu ang wala pang mga literature at pagsasalarawan ng kanilang kultura.
Ang pangalawang grupo naman ng mga katutubo ay ang Igorot o mga pangkat ng mga katutubo sa Cordillera, sila ay bantog sa kanilang mga hagdan hagdang palayan.
Ang mga ito ay ang Ifugao, Bontok, Kankanay, Isneg, Kalinga, Apayao, Tangguian at Ibaloi. Ang mga tribung ito ay isalalarawan sa mga sumusunod.

Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.
Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.

May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.
Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga.
Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa.
Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May dalawang pangkat ang Kankana-ey sa Mankayan, Bakun, Kubungan, Buguias at sa mataas na bahagi ng Benguet. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey. Kapwa sila kayumanggi, kadalasang may mga tatu, may malalaking mata at mauumbok na pisngi.

Mga magsasaka ang mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin sa gilid ng mga bundok. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat.
Walang pormal na pamunuang pulitikal ang lipunang Kankana-ey. Ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.

2 comments:

  1. Gusto kong magkaroon ng aesthetics dibdib. Naghahanap ako para sa isang plastic siruhano sa Turkey.
    Memeestetiği

    ReplyDelete