Tuesday, October 20, 2009

UGONG NG PIGHATI

















Sa bayan ang ingay ay isang musika

Nagpapasaya sa mga taong nakikinig sa kanya

Mga ugong ng sasakyan, at mga taong naghahalakhakan

Ay isang konsyerto sa mga kalunsuran.


Ang ingay ay tila ba isang himig na kumikiliti

Sa tengang na sanay sa mga businang humahagupit

Kaya naman panawagan ng mga tao sa paligid ay hindi marinig

Dahil nagmimistulan na silang mga bingi.



Tulad ng mga kandidatong nagtatalumpati

Sa isang kasiyahan ay puro lang naman ngiti

At binabaliwala ang hinaing ng nakararami

Na siyang nakakadama ng tunay na hinagpis


Bingi nga ba sila dahil sa ingay ng kanilang ginawa

O sadyang nagwawalang bahala sa mga dukha

Dahil ang inisip ay mangamkam ng pera

Sa gobyernong dapat naman ay tao ang magpasya


Hindi lamang ang mga politiko ang mga nabingi

Sa ugong, ingay at pighati

Pati na itong kumpanyang higanti na nagbibigay dadag sa dalamhati

Sa mga taong patuloy na nabibigti sa hirap na kanilang sinasapit


Hinaing mga mga sector para sa mas nakararami

Ay hindi pa mapagbigyan ng kahit saglit

Kung tutuusin ay barya lamang sa kanilang tampipi

Ngunit nanatiling gahaman at sakim


Nagtatayo ng Dam para daw sa ikakabuti

Ngunit din a inisip na ito’y magiging sanhi

Nang tuloyang paglubong ng ating lipi

Na pinangalagaan sa kaytagal ng salin lahi.


Ugong ng Pighati at sigaw ng ating ninunong lahi

Kaylan pa kaya maririnig kung tutumbasan ito ang mas malakas na bati

Ng mga kumpanya at politikong hinihilian ng ng tampiNg mga secto na gusto lamang ay karapatang ipinagkait.

1 comment: